Just an info for bayantel's internet + Landline pricing, almost the same with the Globe before they changes their plans.
BUNDLED PACKAGES (DSL Wifi + Landline)
Plan | Speed |
1,299 | up to 2.0 Mbps |
1,499 | up to 3.0 Mbps |
1,999 | up to 4.0 Mbps |
2,399 | up to 5.0 Mbps |
Asymmetric
DSL o ADSL – tinatawag itong asymmetric dahil ang download speed ay mas
mataas kaysa sa upload speed.? Ito ang ginagamit ng mas nakakaraming
residential customers.
- Symmetric DSL o SDSL - Ito ay may parehong speed para sa uploading at downloading.
Ano ang dynamic IP address?
Ang
isang IP or Internet Protocol ay ang identification number ng isang
computer kapag ito ay online o nasa internet. Ang dynamic IP address ay
temporarily na ina-assign sa isang user from a pool of IP address na
galing sa isang server. Everytime na mag-log in ang isang user sa
internet, siya ay nagkakaroon ng ibang IP address.
Ano naman ang static IP address?
Ito
ay isang klase ng IP address na naka-assign sa isang computer as its
permanent address sa internet. Ibig sabihin, hindi ito nagbabago, hindi
katulad ng dynamic IP address. This enables a user to “host” a website
or some other type of server connection (katulad ng isang e-mail
server).With free wifi modem plus Basic Phone Package.
Connection and Sharing
Pwede ko bang mai-share ang internet access kung may dalawang or mas marami pang pc/laptops ako sa bahay?
Yes, pwede ito kung kayo ay may router or wi-fi router. Sa bayanDSL, libre na ang wifi modem for Plans 899 and above.
Ang
speed ng inyong connection ay dumedepende rin sa dami ng naka-connect
sa inyong router. Kapag marami po ang gumagamit ng internet sa inyo, we
encourage that you avail the packages with higher speed.
May dagdag ba sa monthly bill ko kapag nag-avail ako ng wi-fi?
Wala po.
Mabilis ba ang bayanDSL connection? Ano ang pwedeng maka-apekto sa connection speed ng internet ko?
Ang
bilis ng inyong connection ay depende sa Plan na inyong pinili. Ito rin
ay pwedeng mag-iba depende sa mga sumusunod na dahilan:
- Ang configuration ng iyong computer
- Congestion on the network or internet o dami ng naka-log in sa network
- Condition?ng inyong telephone wiring sa loob at labas ng inyong bahay
- Ang distance ng inyong telephone line mula sa inyong internet service provider central office
- Ang server at router speeds ng website na inyong ina-access
Usage-Based Internet Plan
Ano ang usage allowance?
Ang
usage allowance ay ang dami ng data na naka-allocate sa isang customer
per month na magagamit sa pagdownload o pag-upload ng data sa internet.
For example, para sa Plan 899, 15Gb usage allowance, pwede kang
magdownload/upload ng 15Gb worth of data per month.
Paano
kung nagamit ko na lahat ng usage allowance ko habang nagdo-download
ako ng file, kailangan ko ba idownload uli from the start pagkatapos ko
mag-top up?
Hindi na kailangan kung ikaw ay gumagamit ng special programs or applications intended for downloading files.
Gusto kong mag-log in sa web portal. Paano ko malalaman ang aking log-in profile?
Pwede
kang mag-login sa web portal sa http://bayan.com.ph/dslusage. By
default, you will be asked to enter your account number and the default
password which is BAYAN. For security purposes, you will be asked to
change your default password to a more secure personal password upon
your initial login.
15Gb usage allowance – enough na ba ito?
Maraming mga internet users ang hindi umaabot sa 15Gb usage cap. 15Gb is good for the following:
- Unlimited access/surfing to networking sites (Facebook, Twitter, Multiply, etc.)
- Download up to around 1,770 songs or 18 movies
- Around 47 hours of non-stop Youtube or iWanTV viewing
- Around 356 hours of Skype or similar services
Ang
sabi sa web portal na-consume ko na ang 15Gb pero ang alam ko 10Gb pa
lang ang nagagamit ko. Pwede ko bang Makita ang summary ng
upload/download activities ko?
Yes. Pwede mong makita ang
usage mo as far as 3 months back by visiting the web portal of bayanDSL
at http://www.bayan.com.ph/dslusage.
Pwede ko bang i-lock ang option to top-up my account?
Walang
paraan para ma-lock ang iyong top-up option. Para maiwasan ang
pagtop-up ng ibang tao sa iyong account, we suggest that you keep your
login username and password to yourself.
If I am viewing the web portal, naco-consume ko ba ang usage allowance ko?
Yes. It becomes free when you are viewing it while on zero usage.
Kung may natira pa akong usage allowance or top-up from the last month, carried over ba ito sa susunod na buwan?
Ang
unused usage allowance na kasama sa inyong monthly subscription ay
hindi make-carried over to the next cycle. Ang natira top-up naman ay
maaaring ma-carried over to the next cycle at may 30-day expiration.
Halibawa,
kung nagamit mo na lahat ng 15Gb usage allowance mo at ikaw ay bumili
ng extra 1Gb pero ang nagamit mo lang ay kalahati ng 1Gb bago matapos
ang cycle, ang natitirang kalahati na half Gb ay ma-reretain sa iyong
account. Sa darating na cycle, ang natitirang top-up ay ang una mong
maco-consumer kapag ikaw ay nag-online.
Anong mangyayari kapag naconsume ko na ang monthly usage allowance ko at hindi ako maka-online?
Kailangan mong mag-top up. Just go to the portal and click top-up page through http://bayan.com.ph/dslusage
Bakit ganoon? Ang usage ko ay napakataas pero hindi naman ako masyado nag-iinternet?
Gumagamit
ka ba ng wireless router? If yes, naka-wireless security enabled ba
ito? If not, baka ang inyong kapitbahay or anyone na malapit sa signal
na inyong router ay nakakaconnect sa internet mo. On the other hand,
kung ikaw ay gumagamit ng WEP standard encryption, ito ay may limited
security din. Either way, we recommend that you secure your router using
WPA-PSK or a strong wireles encryption such as WPA2. Sa ganitong
paraan, mas mahihirapan ang iba na “ma-hack” ang inyong connection.
I don’t watch or download videos, music or large emails. May iba pa bang paraan na nagagamit ko ang usage allowance ko?
Yes,
tulad ng program updates such as Windows updates, anti-virus at iba
pang general software updates. Pero itong mga updates na ito ay
importante para sa inyong security or sa efficient na pagtakbo ng iba’t
ibang software programs.
Freebies, Payment and Others
Libre ang iWanTV sa bayanDSL subscription ko, ano ito?
Ang
iWanTV ay isang website kung saan pwede ninyong panooring ang mga iba’t
ibang ABS-CBN shows online. Maaari mo nang mapanood ang mga shows na
ito sa oras na gusto mo. Ang iWanTV ay libre sa lahat ng bayanDSL
packages. Click www.iwantv.com.ph.
May e-mail address ba kayong binibigay pag nagsubscribe ako sa bayanDSL?
Yes,
meron pong free e-mail address na automatic na ibibigay sa inyo at
magagamit na upon installation. Ang ibibigay sa inyo na
username/password sa connection ninyo, ay siya ring email address ninyo.
Pwede din po na palitan kung may preferred kayo na email address or
UID/password. Magagamit din po ang security na ito sa pag access ng
‘http://www.iwantv.com.ph’ kung saan mapapanood ng libre ang mga sikat
na palabas ng ABS-CBN.
Saan ako maaaring magbayad ng aking monthly subscription?
Pwede
kayong magbayad sa Bayan Centers nationwide. Pwede ring
over-the-counter payment sa BDO, Unionbank, RCBC, LBC, 7-11, Bayan
Centers o kaya naman via ATM Payment sa Megalink, BancNet. Pwede ring
magbayad gamit ang autocharge ng credit cards sa Citibank, BDO at
EastWest Bank. Paki-ready ang inyong account number at telephone number
kapag nagbabayad ng bill.
Kung may concern ako sa connection ko, saan ako tatawag? 24 hours ba ang customer service ninyo?
Bukas ang Technical Support ng bayanDSL 24/7. Tumawag lang sa 411-2000. Ang repair ay within 24 hours matapos ito maireport.
Ang
operating hours naman ng customer service para sa bayanPHONE 412-12-12
is from 8am to 6pm. Kung beyond 6pm at may concern kayo sa landline
ninyo, pwede po ninyong itawag na rin sa Technical Support ng bayanDSL.
Kailangan ko pa bang bayaran ang Pre-termination Fee kapag umalis ako papuntang abroad o probinsya?
Kailangan
pong bayaran ang Pre-Termination Fee kung wala pang isang taon mula ng
nag-avail kayo. Upang maiwasan po ang ganitong pagbabayad maari po
ninyong ipangalan o ilipat ang pagmamay ari sa inyong kamag anak o
kapitbahay na interesado. Maaari po kayong tumawag sa aming hotline
412-1212 para sa mga requirements na kakailanganin.
May
dati kasi kaming account sa Bayan, hindi na nabayaran. Pwede bang isama
na lang yung utang namin sa bagong account na iaapply namin?
Kakailanganin
pong i-settle o bayaran muna ang dati nyong account upang maiwasan
upang ma-process ang nyong bagong application. Sa ganitong paraan
maiiwasan po natin ang anumang hassle o pagkaantala sa pagkabit ng
inyong bagong linya.